Saturday, 17 March 2018

Sangdaang habang papuntang Malakanyang


Franklin Cimatu

            Franklin a.k.a. King a.k.a. Frank Cimatu is a Baguio boy, journalist, Physics major, Fine Arts student and winner of awards in various writing contests. In 1987, he took third place in the poetry contest held by the Galian sa Arte at Tula and went on to become a two-time winner for poetry in the prestigious Philippine national writing contest, the Don Carlos Palanca Memorial Awards for Literature with a third place finish in poetry in English for “Living in the Movies: Poems” and the first prize for Tula for “Desaparecido/ Desaparadiso: Mga Tula ni Juan Caliban” [“Desaparecido/Desaparadiso: The Poems of Juan Caliban] in 1991. The following year (1992) he came in second in the Makata ng Taon [Writer of the Year] poetry writing contest of the Surian Ng Wikang Pambansa [Institute for the National Language] . In 1995, he garnered second place in the short-lived Procyon Awards in Manila, Philippines. In 2003, he was adjudged the top prizewinner for poetry in the Philippines Free Press Literary Awards. Franklin Cimatu also writes short stories and has won a Philippines Free Press award for the essay in 1994.

Sandaang Hakbang Papuntang Malakanyang
Frank Cimatu
Sandaang
Hakbang
Papuntang
Malakanyang
Dala ng
Nakabulang
Kartolinang
Nakapinta ng
“Pamahalaang
Swiping,
Kinawawang
Bayang
Walang
Kamuwang-
Muwang!
Naang
Biglang
Naalalang
Naiwang
Nakasalang
Ang
Sinigang
Sandaang
Hakbang
Nakikipilang
Makausisang Manang
Nang
Bang!
Bang!
Bang!
Nakitang
Parang
Umilandang
Ang
Ilang
Kasamang
Hinahambalang
Ang
Iisang
Nakakalamang
Ilang
Rumaragasang
Kapulisang
Sindarang
Ang
Pulutang
Maanghang
Pinagbabatutang
Magsasakang
Nakadalang
Sundang
Nagbubulagang
Peryodistang
Walang
Itinitimbang
Ang
Kasamang
Kabalaang
Pinuntang
Sasakyang
Nagwawangwang
Nagsisigawang
“Tang
Inang…. “
Pinopompiyang
Habang
Ginigisang
Paratang
Nanghihinayang
Ang
Makatang
Walang
Natadyakang
Makapangyarihang
Sakang
Walang
Kaganang-
Ganang
Nakiangkiang
Papuntang
Alabang
Hanggang
Maabutang
Inuwiang
Sinigang
Nagmistulang
Kamanyang

·                   Ang kayarian ng Tula ay nasa Malayang Taludturan dahil walang sinunod na sukat at hindi sinaalang alang ang tugma sa bawat taludtod.

Teoryang Teoryang Sosyolohikal
-          Dahil ito ay tumatalakay  sa mga karanasan ng tao sa iba’t – ibang kalagayang panlipunan, pampulitika, pangkultura at pangkabuhayan.
Pangkalahatang Paliwanag:
                        Ang tulang ito ay tungkol sa mga mahihirap nating kababayan na pinag lalaban ang kanilang karapatan at ang gusto lang naman nila ay pakinggan ng mga kinauukulan ang kanilang mga hinaing pero kadalasan ito ay nauuwi sa karahasan.Pag katapos nang mahaba at marahas na pakikipag labhan para sa  mga karapatan ay wala pa ding magandang kinahantungan.


No comments:

Post a Comment