Pedro L Ricarte
Siya ay isang
kwentista, mananaysay, mandudula, manunuri at makata.Kasalukuyan isang
freelance writer, siya ay nabilang sa patnugutan ng Liwayway sa loob ngsampung
taon. ang kanyang kaalaman sa pagsusulat ay kanyang naibahagi sa mga mag-aaral
ngLCBA Graduate School sa Calamba, De la SalleUniversity-Manila, Don Bosco at
ibangUniversity.
Si Pedro Ricarte ang nagsabi kay
Alejandro Abadilla na siya ang “Ama ng MakabagongTulang Tagalog”
. Si
Ricarte ay isa sa mga mayroong pinakamatatalas na pag-iisip kaya masasabidin na
siya ay isang kritiko ng ibang mga Pilipinong manunula.Naging kilala si Pedro
Ricarte noong 1950-
1960’s.
Ang
ilan sa kanyang mga naisulat ay:
·
Boy Nicolas
·
Siyam na Langit (1962)
·
Samahang Siyete
·
Aawitan kita
·
Ala-Suwerte (1959)
·
Hindi Natutulog ang Diyos (1960-1961)
·
Lagablab sa Silangan (1961)at iba pang mga maikling
istorya at nobela
Mapanglaw ang mga Ilaw sa Calabarzon
Pedro
L. Ricarte
May
bakas pa sa tubig ng mga pinitak
Ang
mga huling silahis ng nakalubog nang araw
Hindi
na sana siya nag-araro pa,
Hindi
rin lamang tiyak na matatamnan
Ang
lupang itong ipinagbibili ng mga dayuhan,
At
may makakaparti raw siyang sandaang libo.
Nasissiyahan
na siya. Siya nama’y kasama lamang.
Sobra
pa marahil sa kanya ang tatanggaping pera.
Balo
na siya,walang anak,walang bisyo.
Sang-ilan
pa ba ang kanyang buhay?
Pero
dito na siya tumanda, sa lupang itong
Sinaka
pa ng kanyang ama at ng mga magulang niyon.
Tumanaw
siya sa gawing silangan:
Kaylawak
ng lupaing itong pinagyayaman
Ng
marami pang katulad niya
Ngunit
ipinagbibili na ng mga may-ari.
May
mga bukid na nasimulan nang tambakan,
Ang
patubig ng gobyerno
Wala
siyang namumuwangan sa kabuhayang-bansa;
Hindi
niya kayang gagapon kung bakit at papaano—
Nadarama
lamang niya – ang malaking panghihinayang
Pangungulila
sa pagkawala ng mga berdeng lupain
Na
kaygandang pagmasdan, kay timyas bungkalin!
·
Ang kayarian ng Tula ay nasa Malayang
Taludturan dahil walang sinunod na sukat at hindi sinaalang alang ang tugma sa
bawat taludtod.
Teoryang
Eksistensyalismo
Ang layunin ng Panitikan ay ipakita na may kalayaan ang
tao na pumili o magdesisyon para para sa kanaiyang sarili na siyang pinaka
sentro ng kaniyang pananatili sa mundo(human existence)
Patunay:
“Nasissiyahan na siya. Siya nama’y kasama
lamang.
Sobra
pa marahil sa kanya ang tatanggaping pera.
Balo
na siya,walang anak,walang bisyo.
Sang-ilan
pa ba ang kanyang buhay?”
Pangkalahatang
Paliwanag:
Masaya narin siya sa kaniyang
matatanggap na pera dahil malaki na rin ang tulong nito sa pag papatuloy ng
kaniyang buhay dahil wala naman na siyang ibang bubuhayin kundi ang sarili
niya. Ngunit may nararamdaman siyang lungkot dahil napamahal na sa kaniya ang
sakahan dahil naroon ang mga masasaya nilang ala-ala ng kaniyang mga magulang.
Nalulungkot din siya dahil maraming mga magsasaka ang umaasa sa bukid na
kanilang sinasaka na ngayon ay wala na. Nakakapang hinayang din na ang sakahan
na napag kukunan ng ani ay ngayon ay mawawala.
No comments:
Post a Comment