Ang Babae sa Pagdaralita ni
Joi Barrios
Maria
Josephine Barrios o mas kilala sa pangalan na “Joi Barrios” sa kanyang mga
akda. Nakamit niya ang kanyang doktorado sa Filipino (Literature) sa
Unibersidad ng Pilipinas noong 1998. Kilala rin si Barrios bilang isang makata,
aktibista, tagasulat ng senaryo, artista, translator at guro. Sa kasalukuyan ay
isa siyang visiting professorsa Philippine Studies Program ng Osaka University
of Foreign Studies at kasapi rin siya ng Congress of Teachers and Educators for
Nationalism and Democracy (CONTEND).
Ang Babae sa Pagdaralita
Joi
Barrios
Babae
akong sinasakmal ng kahirapan
Kahirapan
na mistulang
Ahas
sa damuhan,
Maliksi
ang galaw,
Nagbabadya
ang nakasangang dila,
Makamandag
ang kagat
Pumupulupot
ang ulupong,
Itong
paghihikahos sa aking katawan
At
tumatakas ang lakas,
Nakatitog
ang walang talukap
Na
mga mata ng sawa.
Nanlilisik,
Pagkat
batid na walang palya
Sa
paghatid ng lason
Ang
pangil ng pagdaralita.
Anong
gagawin ng babae sa kanyang karukhaan?
Tumawag
kaya kay Darna?
Lipad
Darna, Lipad?
Kristala,Kristala,
kami ay iligtas!
Zsazsa
Zaturnnah,
Palayain
kami, Mama!
Huwag,huwag.
Ang
paglaya sa hirap,
Ay
wala sa bayani ng pantasya.
Nasa
ating mga babae ang pakikibaka!
Kung
paanong sa gabi at sa araw
Ay
wala tayong humpay sa paggawa,
Kung
paanong magkasabay na lumalaban
At
nag-aaruga
Matibay
ang dibdib pagkat mapagkalinga
Ang
ating pag-ibig
Sulong
at makibaka!
Tagpasin
ang ilo ng sawa !
Ang
kahirapan ay maiigpawan
Kung
ipaglaban na ang pagbawi
Ang
pang-angking muli,
Sa
yaman ng bayan
Ay
ating karapatan.
Sulong,makibaka,lumaban!
·
Ang kayarian ng Tula ay nasa Malayang
Taludturan dahil walang sinunod na sukat at hindi sinaalang alang ang tugma sa
bawat taludtod.
Teoryang
Sosyolohikal
-
Dahil
ito ay tumatalakay sa mga karanasan ng
tao sa iba’t – ibang kalagayang panlipunan, pampulitika, pangkultura at
pangkabuhayan.
Patunay:
“Babae
akong sinakmal ng kahirapan na mistulang Ahas sa damuhan, maliksi ang galaw,
magbabadya ang nakasangang dila, makamandag ang kagat
Teoryang Historikal
-
Ang
layunin ng Panitikan na ito ay ipakita ang karanasan ng isang lipi ng tao na
siyang masasalamin sa kasaysayan at bahagi ng kaniyang pagkahubog.
Patunay:
“Kung ipaglalaban na ang pagbawi, ang bayan ay ating
karapratan, sulong, makibaka, lumaban!
v Pangkalahatang
pagpapaliwanag
Ang kahirapan ay parang isang traydor na maaring
maging sanhi ng ating kamatayan kung tayo ay walang ibang gagawin at hahayaan
natin nalang natin na tuluyang maghirap at mamatay. Pero tayo bilang isang
babae hahayaan nalang ba natin na tuluyan tayong lamunin ng kahirapan? Marami
tayong magagawa upang matamasa ang kaginhawaan sa buhay.
No comments:
Post a Comment