Saturday, 17 March 2018

Link

https://www.blogger.com/blogger.g?blogID=840474940377167763#allposts

Sangdaang habang papuntang Malakanyang


Franklin Cimatu

            Franklin a.k.a. King a.k.a. Frank Cimatu is a Baguio boy, journalist, Physics major, Fine Arts student and winner of awards in various writing contests. In 1987, he took third place in the poetry contest held by the Galian sa Arte at Tula and went on to become a two-time winner for poetry in the prestigious Philippine national writing contest, the Don Carlos Palanca Memorial Awards for Literature with a third place finish in poetry in English for “Living in the Movies: Poems” and the first prize for Tula for “Desaparecido/ Desaparadiso: Mga Tula ni Juan Caliban” [“Desaparecido/Desaparadiso: The Poems of Juan Caliban] in 1991. The following year (1992) he came in second in the Makata ng Taon [Writer of the Year] poetry writing contest of the Surian Ng Wikang Pambansa [Institute for the National Language] . In 1995, he garnered second place in the short-lived Procyon Awards in Manila, Philippines. In 2003, he was adjudged the top prizewinner for poetry in the Philippines Free Press Literary Awards. Franklin Cimatu also writes short stories and has won a Philippines Free Press award for the essay in 1994.

Sandaang Hakbang Papuntang Malakanyang
Frank Cimatu
Sandaang
Hakbang
Papuntang
Malakanyang
Dala ng
Nakabulang
Kartolinang
Nakapinta ng
“Pamahalaang
Swiping,
Kinawawang
Bayang
Walang
Kamuwang-
Muwang!
Naang
Biglang
Naalalang
Naiwang
Nakasalang
Ang
Sinigang
Sandaang
Hakbang
Nakikipilang
Makausisang Manang
Nang
Bang!
Bang!
Bang!
Nakitang
Parang
Umilandang
Ang
Ilang
Kasamang
Hinahambalang
Ang
Iisang
Nakakalamang
Ilang
Rumaragasang
Kapulisang
Sindarang
Ang
Pulutang
Maanghang
Pinagbabatutang
Magsasakang
Nakadalang
Sundang
Nagbubulagang
Peryodistang
Walang
Itinitimbang
Ang
Kasamang
Kabalaang
Pinuntang
Sasakyang
Nagwawangwang
Nagsisigawang
“Tang
Inang…. “
Pinopompiyang
Habang
Ginigisang
Paratang
Nanghihinayang
Ang
Makatang
Walang
Natadyakang
Makapangyarihang
Sakang
Walang
Kaganang-
Ganang
Nakiangkiang
Papuntang
Alabang
Hanggang
Maabutang
Inuwiang
Sinigang
Nagmistulang
Kamanyang

·                   Ang kayarian ng Tula ay nasa Malayang Taludturan dahil walang sinunod na sukat at hindi sinaalang alang ang tugma sa bawat taludtod.

Teoryang Teoryang Sosyolohikal
-          Dahil ito ay tumatalakay  sa mga karanasan ng tao sa iba’t – ibang kalagayang panlipunan, pampulitika, pangkultura at pangkabuhayan.
Pangkalahatang Paliwanag:
                        Ang tulang ito ay tungkol sa mga mahihirap nating kababayan na pinag lalaban ang kanilang karapatan at ang gusto lang naman nila ay pakinggan ng mga kinauukulan ang kanilang mga hinaing pero kadalasan ito ay nauuwi sa karahasan.Pag katapos nang mahaba at marahas na pakikipag labhan para sa  mga karapatan ay wala pa ding magandang kinahantungan.


Friday, 16 March 2018

Mapanglaw ang mga Ilaw sa Calabarzon


Pedro L Ricarte

 Siya ay isang kwentista, mananaysay, mandudula, manunuri at makata.Kasalukuyan isang freelance writer, siya ay nabilang sa patnugutan ng Liwayway sa loob ngsampung taon. ang kanyang kaalaman sa pagsusulat ay kanyang naibahagi sa mga mag-aaral ngLCBA Graduate School sa Calamba, De la SalleUniversity-Manila, Don Bosco at ibangUniversity.
Si Pedro Ricarte ang nagsabi kay Alejandro Abadilla na siya ang “Ama ng MakabagongTulang Tagalog”
. Si Ricarte ay isa sa mga mayroong pinakamatatalas na pag-iisip kaya masasabidin na siya ay isang kritiko ng ibang mga Pilipinong manunula.Naging kilala si Pedro Ricarte noong 1950-
1960’s.
Ang ilan sa kanyang mga naisulat ay:
·         Boy Nicolas
·         Siyam na Langit (1962)
·         Samahang Siyete
·         Aawitan kita
·         Ala-Suwerte (1959)
·         Hindi Natutulog ang Diyos (1960-1961)
·         Lagablab sa Silangan (1961)at iba pang mga maikling istorya at nobela

Mapanglaw ang mga Ilaw sa Calabarzon
Pedro L. Ricarte
May bakas pa sa tubig ng mga pinitak
Ang mga huling silahis ng nakalubog nang araw
Hindi na sana siya nag-araro pa,
Hindi rin lamang tiyak na matatamnan
Ang lupang itong ipinagbibili ng mga dayuhan,
At may makakaparti raw siyang sandaang libo.

Nasissiyahan na siya. Siya nama’y kasama lamang.
Sobra pa marahil sa kanya ang tatanggaping pera.
Balo na siya,walang anak,walang bisyo.
Sang-ilan pa ba ang kanyang buhay?
Pero dito na siya tumanda, sa lupang itong
Sinaka pa ng kanyang ama at ng mga magulang niyon.

Tumanaw siya sa gawing silangan:
Kaylawak ng lupaing itong pinagyayaman
Ng marami pang katulad niya
Ngunit ipinagbibili na ng mga may-ari.
May mga bukid na nasimulan nang tambakan,
Ang patubig ng gobyerno

Wala siyang namumuwangan sa kabuhayang-bansa;
Hindi niya kayang gagapon kung bakit at papaano—
Nadarama lamang niya – ang malaking panghihinayang
Pangungulila sa pagkawala ng mga berdeng lupain
Na kaygandang pagmasdan, kay timyas bungkalin!


·         Ang kayarian ng Tula ay nasa Malayang Taludturan dahil walang sinunod na sukat at hindi sinaalang alang ang tugma sa bawat taludtod.
Teoryang Eksistensyalismo
                        Ang layunin ng Panitikan ay ipakita na may kalayaan ang tao na pumili o magdesisyon para para sa kanaiyang sarili na siyang pinaka sentro ng kaniyang pananatili sa mundo(human existence)
Patunay:
Nasissiyahan na siya. Siya nama’y kasama lamang.
Sobra pa marahil sa kanya ang tatanggaping pera.
Balo na siya,walang anak,walang bisyo.
Sang-ilan pa ba ang kanyang buhay?
Pangkalahatang Paliwanag:
            Masaya narin siya sa kaniyang matatanggap na pera dahil malaki na rin ang tulong nito sa pag papatuloy ng kaniyang buhay dahil wala naman na siyang ibang bubuhayin kundi ang sarili niya. Ngunit may nararamdaman siyang lungkot dahil napamahal na sa kaniya ang sakahan dahil naroon ang mga masasaya nilang ala-ala ng kaniyang mga magulang. Nalulungkot din siya dahil maraming mga magsasaka ang umaasa sa bukid na kanilang sinasaka na ngayon ay wala na. Nakakapang hinayang din na ang sakahan na napag kukunan ng ani ay ngayon ay mawawala.

                       



Ang babae sa Pagdaralita


Ang Babae sa Pagdaralita ni Joi Barrios

Maria Josephine Barrios o mas kilala sa pangalan na “Joi Barrios” sa kanyang mga akda. Nakamit niya ang kanyang doktorado sa Filipino (Literature) sa Unibersidad ng Pilipinas noong 1998. Kilala rin si Barrios bilang isang makata, aktibista, tagasulat ng senaryo, artista, translator at guro. Sa kasalukuyan ay isa siyang visiting professorsa Philippine Studies Program ng Osaka University of Foreign Studies at kasapi rin siya ng Congress of Teachers and Educators for Nationalism and Democracy (CONTEND).

Ang Babae sa Pagdaralita
Joi Barrios
Babae akong sinasakmal ng kahirapan
Kahirapan na mistulang
Ahas sa damuhan,
Maliksi ang galaw,
Nagbabadya ang nakasangang dila,
Makamandag ang kagat
Pumupulupot ang ulupong,
Itong paghihikahos sa aking katawan
At tumatakas ang lakas,
Nakatitog ang walang talukap
Na mga mata ng sawa.
Nanlilisik,
Pagkat batid na walang palya
Sa paghatid ng lason
Ang pangil ng pagdaralita.
Anong gagawin ng babae sa kanyang karukhaan?
Tumawag kaya kay Darna?
Lipad Darna, Lipad?
Kristala,Kristala, kami ay iligtas!
Zsazsa Zaturnnah,
Palayain kami, Mama!
Huwag,huwag.
Ang paglaya sa hirap,
Ay wala sa bayani ng pantasya.
Nasa ating mga babae ang pakikibaka!
Kung paanong sa gabi at sa araw
Ay wala tayong humpay sa paggawa,
Kung paanong magkasabay na lumalaban
At nag-aaruga
Matibay ang dibdib pagkat mapagkalinga
Ang ating pag-ibig
Sulong at makibaka!
Tagpasin ang ilo ng sawa !
Ang kahirapan ay maiigpawan
Kung ipaglaban na ang pagbawi
Ang pang-angking muli,
Sa yaman ng bayan
Ay ating karapatan.
Sulong,makibaka,lumaban!



·         Ang kayarian ng Tula ay nasa Malayang Taludturan dahil walang sinunod na sukat at hindi sinaalang alang ang tugma sa bawat taludtod.

Teoryang Sosyolohikal
-          Dahil ito ay tumatalakay  sa mga karanasan ng tao sa iba’t – ibang kalagayang panlipunan, pampulitika, pangkultura at pangkabuhayan.
Patunay:
                        “Babae akong sinakmal ng kahirapan na mistulang Ahas sa                                       damuhan, maliksi ang galaw, magbabadya ang nakasangang dila, makamandag ang kagat
Teoryang Historikal
-          Ang layunin ng Panitikan na ito ay ipakita ang karanasan ng isang lipi ng tao na siyang masasalamin sa kasaysayan at bahagi ng kaniyang pagkahubog.
Patunay:
                        “Kung ipaglalaban na ang pagbawi, ang bayan ay ating karapratan, sulong, makibaka, lumaban!



v  Pangkalahatang pagpapaliwanag
               Ang kahirapan ay parang isang traydor na maaring maging sanhi ng ating kamatayan kung tayo ay walang ibang gagawin at hahayaan natin nalang natin na tuluyang maghirap at mamatay. Pero tayo bilang isang babae hahayaan nalang ba natin na tuluyan tayong lamunin ng kahirapan? Marami tayong magagawa upang matamasa ang kaginhawaan sa buhay.